Masusing Pagsusuri at Paggamot para sa Newborn Jaundice
Komprehensibong Pagsusuri at Gamutan para sa Neonatal Jaundice
Kasama ninyo ang Tuntun Children’s Hospital sa bawat yugto ng paglaki ng inyong anak. neonatal jaundice
Komprehensibong Pagsusuri at Gamutan para sa Neonatal Jaundice

Ang neonatal jaundice (paninilaw ng sanggol) ay isang karaniwang kondisyon,
ngunit hindi lahat ng kaso ay magkakapareho.
Sa Tuntun Children’s Hospital, hindi lang kami bumabase sa mga jaundice level numbers. Nagsasagawa kami ng komprehensibong pagsusuri na isinasaalang-alang ang edad ng inyong baby, kung gaano kabilis lumalala ang paninilaw, ang pinagmulan nito, at ang pangkalahatang kalusugan ng bata bago magdesisyon sa nararapat na gamutan.
Bakit nagkakaroon ng Neonatal Jaundice?
Ang mga bagong panganak na sanggol ay mas madaling magkaroon ng mataas na bilirubin kumpara sa mga matatanda, kaya naman normal lang na manilaw sila sa mga unang araw pagkapanganak. Gayunpaman, may mga pagkakataong dulot ito ng ibang dahilan. Kaya mahalagang matukoy kung ito ba ay simpleng paninilaw lamang o isang kondisyon na nangangailangan ng agarang gamutan.
- Physiological Jaundice (Normal na paninilaw matapos ipanganak)
- Jaundice na may kinalaman sa pagpapasuso (Breastfeeding)
- Hemolytic Jaundice (Dahil sa hindi tugmang blood type ng ina at sanggol)
- Impeksyon
- Problema sa Atay o Biliary Tract (Liver/Biliary disease)

Kailan Kailangan ng Pagsusuri ng Espesyalista?
Kung mapansin ang alinman sa mga sumusunod, maaaring hindi ito simpleng jaundice lamang at kakailanganin ng masusing pagsusuri mula sa doktor.
Mga Senyales na Kailangan ng Medical Evaluation:
Lumabas ang paninilaw sa loob ng unang 24 oras matapos ipanganak Mabilis na tumataas ang jaundice levels Tumatagal nang higit sa normal ang paninilaw Matamlay ang baby o hirap dumede Maputla ang kulay ng dumi o masyadong madilim ang kulay ng ihi
Sa mga ganitong sitwasyon, hindi sapat ang simpleng pag-obserba sa bahay; kailangan nating tukuyin ang pinagmulan nito.
Ang layunin ng aming pagsusuri ay hindi para magsagawa ng hindi kinakailangang tests, kundi isang maingat at step-by-step na proseso upang matukoy kung kailangan talaga ng inyong anak ng gamutan.
Paano Namin Sinusuri ang Inyong Anak
Ganito ang proseso ng aming pagsusuri para makasiguro sa kaligtasan ni baby.
STEP 01. Pagtukoy kung kailangan ng gamutan base sa Jaundice Levels at Clinical Condition
Hindi lang namin tinitingnan ang jaundice level, binabantayan din namin ang pangkalahatang kondisyon ng inyong anak.
Pagsusuri ng Panganib (Risk Assessment)
Tinatasa namin ang mga sumusunod upang malaman kung kailangan na ng gamutan:
- ㆍKondisyon sa pag-dede (Feeding status)
- ㆍLakas at sigla (Activity level)
- ㆍPagbabago sa timbang
- ㆍBilis ng pagkalat ng paninilaw
Kung Mababa ang Panganib (Low Risk)
→ Patuloy na pag-obserba at pagbantay sa bahay
Kung Mataas ang Jaundice Level o May Risk Factors
→ Pagsasagawa ng karagdagang tests at paghahanda para sa gamutan
STEP 02. Pag-alam sa Sanhi sa pamamagitan ng Blood Test
Kung kinakailangan, magsasagawa kami ng blood test upang malaman ang eksaktong dahilan ng paninilaw.
Pagdesisyon sa Gamutan
Base sa resulta, aalamin namin kung ito ay normal na jaundice o nangangailangan ng seryosong gamutan.
- ㆍBlood typing (Pagsusuri kung may blood type incompatibility)
- ㆍHemolysis evaluation
- ㆍPagsusuri kung may impeksyon
- ㆍLiver function test
STEP 03. Pagsusuri ng Atay at Biliary Tract (Kung Kinakailangan)
Kung masyadong matagal ang paninilaw o may kakaibang sintomas, maaaring magsagawa ng ultrasound upang suriin ang atay at biliary tract ng sanggol.
Pagsasagawa ng Ultrasound
Ginagawa lamang ito kung kinakailangan para sa kaligtasan ng inyong anak.
- ㆍKung may hinalang Biliary Atresia (baradong daluyan ng apdo)
- ㆍKung may senyales ng sakit sa atay (Liver disease)
- ㆍPagtaas ng direct bilirubin
Paano Namin Binabasa ang Resulta ng Tests?
Ang aming pagsusuri sa neonatal jaundice ay hindi natatapos sa pagsabing “mataas” o “mababa” ang level. Inoobserbahan namin ang lahat ng mga sumusunod bago magdesisyon sa gamutan. Ang pangunahing layunin ng paggamot ay hindi lang ibaba ang levels, kundi maiwasan ang mga kumplikasyon at panatilihing ligtas ang sanggol.
- 1 Bilang ng oras/araw mula nang maipanganak
- 2 Jaundice level at bilis ng pagtaas nito
- 3 Pangkalahatang kalusugan at sigla ng baby
- 4 Resulta ng iba pang laboratory tests
- 4 Presensya ng mga risk factors
Phototherapy (Light Therapy)
Ang phototherapy ay isang ligtas na proseso na gumagamit ng espesyal na ilaw upang tunawin ang bilirubin sa dugo. Ito ang pinaka-pangunahin at epektibong paraan ng paggamot sa neonatal jaundice.
Ina-adjust ang tindi at tagal ng ilaw base sa kondisyon ng sanggol
1 Non-invasive at napakaligtas na uri ng gamutan 2 Maaaring mangailangan ng hospital admission (inpatient care) depende sa kalagayan ni baby 3 Patuloy naming mino-monitor ang jaundice levels at pangkalahatang kalusugan ng bata habang ginagamot
Paano ang Proseso ng Gamutan sa Neonatal Jaundice?

Komprehensibo naming sinusuri ang jaundice level at kalusugan ng baby
bago magdesisyon kung kinakailangan ng hospital admission.
Ang Tuntun Children’s Hospital ay isang pasilidad na may kumpletong inpatient care para sa mga bata. Nagsasagawa kami ng maingat na neonatal jaundice treatments, kabilang na ang phototherapy.
Step-by-step na gamutan base sa jaundice levels ng bata
Walang patid na pagmo-monitor sa kondisyon habang ginagamot
Mabilis na pag-aadjust ng treatment plan base sa reaksyon ng katawan ni baby
Ating tinitiyak na ang gamutan ay ligtas sa pamamagitan ng pagtukoy kung ang bata ay pwede nang umuwi at i-monitor sa outpatient clinic, o kung kailangan nitong ma-admit sa ospital.
Kung kinakailangan, magsasagawa kami ng karagdagang tests o ire-refer namin kayo sa mga kaugnay na espesyalista upang mabigyan ang inyong anak ng pinaka-angkop at ligtas na gamutan.
Paggamot at Pangangalaga
Paggamot Base sa Sanhi
Kung ang jaundice ay dulot ng ibang sakit o kondisyon, isinasabay namin ang paggamot para rito.
Hemolytic Jaundice
→ Masusing pagbabantay (Intensive monitoring) at agarang gamutan
Impeksyon
→ Paggamot sa impeksyon gamit ang tamang medisina
Problema sa Atay at Biliary Tract
→ Karagdagang pagsusuri at espesyal na paggamot
Pagpapasuso at Nutrisyon (Feeding Management)
Napakahalaga ng tamang pagpapasuso para mapabilis ang paggaling ng jaundice.
Nagbibigay kami ng gabay at tips sa tamang pagpapasuso kung kinakailangan
- ㆍPaninigurong sapat ang nakukuha at nadidedeng gatas ni baby
- ㆍPag-iwas sa dehydration
- ㆍPagbabantay sa pagbabago ng timbang
Mga Dapat Tandaan ng mga Magulang
Mula sa aming mga Doktor
para sa mga Magulang
- Karamihan sa mga kaso ng neonatal jaundice ay kusang nawawala, ngunit may mga ilang pagkakataon na kailangan ng gamutan.
- Ang pinakamahalaga ay hindi lang ang level number, kundi ang pangkalahatang kalusugan ng inyong anak.
- May mga pagkakataong ang inyong anak ay kailangan lamang ng obserbasyon na walang medikasyon, base sa resulta ng tests.
- Magsasagawa kami ng re-evaluation matapos ang ilang araw kung kinakailangan.
- Ang anumang desisyon para sa gamutan ay maingat naming pinag-iisipan para sa kaligtasan ng inyong anak.
- Sa Tuntun Children’s Hospital, iniiwasan namin ang mga hindi kinakailangang gamutan, habang sinisiguro na hindi nakakaligtaan ang mga kasong nangangailangan ng seryosong atensyong medikal.